Pagtatapos ng 2023 National Election Summit pinangunahan ni PBBM

Pagtatapos ng 2023 National Election Summit pinangunahan ni PBBM

Dumalo bilang pangunahing tagapagsalita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtatapos ng 2023 National Election Summit araw ng Biyernes, Marso 10.

Binigyang-diin ng pangulo na mahalaga ang mga naging resulta ng mga preparatory consultations na isinagawa sa iba’t ibang stakeholder sa pampubliko at pribadong sektor.

Mahalaga ayon sa pangulo na agarang kumilos at maipatupad ang konkretong hakbang upang maisakatuparan ang mga plano.

Kinilala rin ng pangulo ang mahalagang papel ng Commission on Elections (Comelec) bilang mga tagapangalaga ng soberanya ng bansa at upang matiyak ang integridad ng proseso ng eleksyon.

Sa temang “Pagtutulungan sa Makabagong Halalan,” ang 2023 National Election Summit ay naglalayong magbigay ng plataporma para sa pambansang talakayan ng mga election stakeholders.

Ito ay upang mapabuti ang proseso ng halalan ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *