Mga eksperto sa sektor ng siyensya hinikayat ni Pangulong Marcos na patuloy na palawakin ang kanilang kaalaman
Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2023 Annual Scientific Conference.
Sa kaniyang talumpati sa nasabing pagtitipon, hinimok ng pangulo ang mga eksperto sa sektor ng siyensya na patuloy na magpalawak ng kanilang kaalaman, makipagtulungan sa ibang dalubhasa, at maging modelo sa kabataang Pilipino na magtagumpay sa larangan ng siyensiya at teknolohiya.
Pinuri rin ng pangulo ang mga siyentipiko sa kanilang paglikha ng mga solusyon gamit ang kanilang mga imbensyon, pananaliksik, at mga katibayan upang labanan ang negatibong epekto ng mga hamon sa lipunan at sa kapaligiran. (DDC)