Pilipinas magbibigay ng $200,000 na halaga ng tulong sa Syria

Pilipinas magbibigay ng $200,000 na halaga ng tulong sa Syria

Magpapadala ang Pilipinas ng halagang USD 200,000 bilang financial assistance at iba pang uri ng tulong sa Syrian Arab Republic.

Ito ay upang asistihan ang bansa sa pagbangon mula sa pinsala ng lindol na yumanig sa noong Pebrero.

Magugunitang kababalik lamang sa bansa ng 82 miyembro ng Philippine Interagency Humanitarian Contingent mula sa Turkiye.

Ang nasabing team ay tumulong sa response operations ng bansa, ilang araw lamang matapos ang sakuna.

Ayon sa Presidential Communication Office (PCO), umabot sa 1,022 na pasyente ang naserbisyuhan ng Philippine medical team,

Habang ang search and rescue team ng Pilipinas ay nakapagsagawa ng operasyon sa aabot sa 36 na gumuhong mga gusali. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *