2 Malaysian nationals huli sa ‘shabu’ sa Parañaque City

2 Malaysian nationals huli sa ‘shabu’ sa Parañaque City

Dinakip ng otoridad ang dalawang Malaysian nationals makaraang mahulihan umano ng ilegal na droga sa isang condominium sa Parañaque City, ayon sa ulat ng Southern Police District (SPD).

Kinilala ni SPD District Director, Brigadier General Kirby John Kraft ang dalawang Malaysian nationals na sina Sing Tien Roong, 38-anyos, HR POGO sa Sinocan at Sin Weng Leong, 23-anyos, Secretary HR POGO sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Dakong alas-11:45 ng gabi nitong Marso 7 inaresto ng mga tauhan ng Tambo Police Sub Station ang mga dayuhang suspek sa isang condominium na matatagpuan sa Quirino Avenue, Barangay Tambo, Parañaque City.

Nagpapatrulya ang mga pulis nang matanggap ang tawag mula sa guwardiyang si Jomar Sanchez Matabang na humihingi ng police assistance matapos umanong mahuli ang dalawang suspek sa transaksiyon sa ilegal na droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang umano’y shabu na nagkakahalaga ng ₱13,600 at isang transparent plastic tube pipe.

Dinala ang mga ebidensiya sa SPD- Forensic Unit upang suriin habang sasampahan naman ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *