Dry run sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sisimulan bukas (Mar. 9)
Sisimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dry run para sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue bukas March 9.
Ang exclusive motorcycle lane ay nasa third lane mula sa sidewalk ng kahabaan ng Commonwealth Avenue, mula Elliptical Road hanggang sa Doña Carmen at vice versa.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes sa isasagawang dry run ay magtatalaga ng traffic enforcers na aasiste sa local government ng Quezon City.
Hindi pa aniya manghuhuli ng mga lalabag na motorista sa sa unang araw ng dry run hanggang sa March 19.
Layon ng pagpapatupad ng motorcycle lane na mapababa ang bilang ng fatal road crashes sangkot ang mga motorisklo. (DDC)