Mga mangingisdang apektado ng pil spill sa Gloria, Oriental Mindoro tinulungan ng DSWD

Mga mangingisdang apektado ng pil spill sa Gloria, Oriental Mindoro tinulungan ng DSWD

Mahigit 1,000 pamilyang mangingisda at nagtitinda ng isda sa bayan ng Gloria sa Oriental Mindoro ang naabutan ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Alinsunod sa atas ni Gobernador Humerlito “Bonz” Dolor at batay sa naging rekomendasyon ng Department of Health (DOH) na itigil muna pansamantala ang pangingisda dahil sa pagkalat ng langis ng lumubog na oil tanker sa ilang bahagi ng dalampasigan ng bayan ng Gloria, ang mga pamilyang umaasa sa biyaya ng karagatan ay nawalan din pansamantala ng mapagkukunan ng hanapbuhay.

Dahil dito, namahagi ng food packs ang DSWD upang alalayan ang mga residente ditong mangingisda habang hindi pa sila pwedeng pumalaot.

Partikular na nakatanggap ng tulong ang mga barangay ng Tambong, Bulaklakan, Maligaya, Kawit, Narra, San Antonio, Balete, Sta. Theresa, Lucio Laurel, Guimbonan, Maragooc at Agsalin sa bayan ng Gloria. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *