Iconic na itsura ng mga tradisyunal na jeep, maaari pa ring panatilihin ayon sa LTFRB

Iconic na itsura ng mga tradisyunal na jeep, maaari pa ring panatilihin ayon sa LTFRB

Bukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa panukala ng ilang transport group na panatilihin ang “iconic” na itsura ng mga tradisyunal na jeep sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tingnan kung maaari bang payagan na lamang na bumiyahe ang mga tradisyunal na jeep na maayos at kaya pa namang pumasada.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III maaari namang ang isang modernized jeep ay itsurang katulad pa rin ng tradisyunal na jeep.

Ang mahalaga ayon kay Guadiz ay dapat pasado ito sa Philippine National Standards sa ilalim ng Bureau of Product Standards ng Department of Trade and Industry

Sa ilalim ng Philippine National Standards, kabilang sa mga kailangang isaalang-alang sa pagbuo ng modernized na jeep ang mataas na ceiling nito para makatayo ang mga pasahero sa loob, ang pinto ay dapat na nakalagay sa kanang bahagi na malapit sa drayber, at kinakailangang mayroong exit point.

Kasama din sa mga maaaring ilagay sa loob ng isang modern jeep ang aircondition, maliliit na electric fan, at iba pang equipment tulad ng CCTV cameras para sa seguridad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *