Tigil-pasada tinapos na ng mga transport group; Malakanyang nangakong pag-aaralan ng mabuti ang PUV modernization program

Tigil-pasada tinapos na ng mga transport group; Malakanyang nangakong pag-aaralan ng mabuti ang PUV modernization program

Ikinalugod ng pamahalaan ang naging desisyon ng MANIBELA Transport Group na itigil na ang isinasagawang transport strike.

Sa orihinal na plano ng MANIBELA ay isang linggo ang ikakasa nilang tigil pasada.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Transportation (DOTr) Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na gamitin ang naging extension ng deadline hanggang December 31, 2023 para sa consolidation upang muling pag-aralan ang mga probisyon ng Department Order No. 2017-011 o ang Omnibus Franchising Guidelines (OFG).

Ito ay para siguruhin na naisaalang-alang ang bawat aspeto ng implementasyon ng programa, kabilang ang pagdinig sa mga hinaing ng ating mga driver at operator.

Ayon na rin sa direktiba ng pangulo, magsasagawa ang DOTr at ang LTFRB ng malalim at malawakang konsultasyon upang tiyakin na mas maging maayos ang pagpapatupad ng PUVMP at mabigyang-diin na ang sentro ng programa ay ang mga driver, operator, at lalong lalo na ang mga commuter. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *