Klase sa Davao de Oro suspendido; concert para sa Bulawan Festival nakansela din

Klase sa Davao de Oro suspendido; concert para sa Bulawan Festival nakansela din

Suspendido ang klase ngayong araw ng Miyerkules (Mar. 8) sa lalawigan ng Davao de Oro.

Kasunod ito ng tumamang magnitude 5.9 na lindol sa lalawigan kahapon, Mar. 7.

Sa memorandum order ng provincial government ng Davao De Oro, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa public at private.

Wala din munang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.

Samantala, kanselado din ang idaraos sanang concert para sa pagdiriwang ng Bulawan Festival.

Ang People’s Night Concert ay idaraos sana Miyerkules ng gabi. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *