Face-to-face classes ng public schools sa Las Piñas City suspendido pa rin hanggang Mar. 10

Face-to-face classes ng public schools sa Las Piñas City suspendido pa rin hanggang Mar. 10

Inanunsyo ni Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar ang panibagong suspensiyon ng face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan sa lungsod mula Marso 8-10 dahil pa rin sa tigil pasada o transport strike na ikinasa ng ilang transport group bilang pagtutol sa PUV modernization program ng gobyerno.

Ayon pa sa alkalde, ang mga pampublikong paaralan ay magpapatupad ng alternatibong mga paraaan ng pagtuturo para sa mga estudyante bilang pansamantalang kapalit ng face-to-face classes.

Sinabi pa ni Mayor Aguilar na ipinauubaya nito sa pamunuan ng mga pribadong paaralan ang pagpapasya sa pagpapatupad ng kanilang pamamaraan ng pagtuturo na makabubuti sa kanilang mga estudyante. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *