Mga magsasaka sa Dagupan City nakatanggap ng makinarya at pataba mula sa DA

Mga magsasaka sa Dagupan City nakatanggap ng makinarya at pataba mula sa DA

Tinanggap ng mga magsasaka sa Dagupan ang dalawang (2) unit ng walk-behind rice transplanter na ipagkakaloob para sa kanila ng nasyonal na gobyerno sa ilalim ng Department of Agriculture (DA).

Nakatanggap din ang nasa 155 farmers sa siyudad ng fertilizer vouchers na kanilang naipamalit sa DA fertilizer supplier para sa libreng pataba.

Ang mga benepisyaryong magsasaka ay mula sa mga barangay ng Bonuan Boquig, Lucao, Lasip Grande, Mamalingling, Malued, Mangin, Pantal, Pugaro, at Salisay.

Tinanggap ng Matalunggaring Mangin Irrigators Association, Inc. at Mauksoy Salisay Irrigators Association Inc. ang naturang farm machinery na inaasahang makakatulong upang mapadali ang proseso ng pagsasaka, mapaganda ang produksyon at mapataas ang kanilang kita.

Ipinaabot naman ni Mayor Belen Fernandez ang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kay Sen. Imee Marcos sa tulong na kanilang ipinahahatid sa sektor ng agrikultura sa lungsod. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *