Coastal barangays sa 9 na bayan sa Oriental Mindoro na apektado ng oil spill isinailalim sa state of calamity

Coastal barangays sa 9 na bayan sa Oriental Mindoro na apektado ng oil spill isinailalim sa state of calamity

Inaprubahan ngayong ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Oriental Mindoro ang resolusyon na nagdedeklara ng State of Calamity sa mga coastal barangay sa lalawigan na apektado ng oil spill dahilan sa paglubog ng MT Princess Empress Oil Tanker.

Ang nabanggit na resolusyon ay naipasa sa ika-31 regular na sesyon ng sanggunian.

Batay sa naunang resolusyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nakasaad ang mga sumusunod:

• umabot sa 77 coastal barangay mula sa siyam (9) na bayan na kinabilangan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao ay kumpirmadong nakitaan ng oil spill,

• 51 barangay na may kabuuang bilang ng 10,362 pamilya na binubuo ng 48,885 na indibidwal ang apektado ng oil spill

• Ang bidodiversity at marine ecology ng 15 marine protected areas (MPSA) mula sa apat (4) na bayan ng lalawigan na may kabuuang sukat na 763.53 ektarya ay nanganganib sa pagkasira. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *