Lugar na posibleng pinaglubugan ng MT Princess Empress natukoy na

Lugar na posibleng pinaglubugan ng MT Princess Empress natukoy na

Natukoy na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lugar na pianglubugan ng MT Princess Empress.

Ayon sa DENR, may lalim itong 1,200 o 400 meters below sea level sa northeast ng Pola, Oriental Mindoro.

Ang BRP Hydrographer Ventura ang nakatukoy ng posibleng lokasyon ng lumubog na barko.

Nilinaw naman ng DENR na kailangan pa itong iberipika sa pamamagitan ng pagde-deploy ng remotely-operated vehicle (ROV).

Ayon sa DENR, inihahanda na ang ROV upang matukoy ang eksaktong lokasyon ng barko at para makita din kung saang lugar sa barko nagmumula ang oil spill. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *