82-man PH Inter-agency Humanitarian Contingent na napunta ng Türkiye pinarangalan

82-man PH Inter-agency Humanitarian Contingent na napunta ng Türkiye pinarangalan

Pinarangalan ang 82-man Philippine Inter-agency Humanitarian Contingent na nagtungo sa Adiyaman Province, Türkiye para tumulong sa search and rescue operations matapos ang 7.8 magnitude na lindol na yumanig sa bansa noong Pebrero.

Nakatanggap ang 9-man team ng MMDA ng BaKas Parangal ng Kabayanihan at Plaque of Merit para sa kanilang ginawang urban search and rescue.

Maliban sa parangal, tumanggap din ng tig-P50,000 ang mga miyembro ng PH humanitarian team mula sa PAGCOR bilang pagkilala sa kanilang nagawang tulong at kabayanihan.

Nasa 36 gusali ang na-assess ng PH contingent team habang anim naman ang narekober na mga labi. Nasa 1,022 pasyente naman ang nabigyan ng Emergency Medical Services.

Nagpasalamat din si MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes sa serbisyo ng mga ito lalo na’t hindi biro ang kanilang pinagdaanan gaya ng language barrier at extreme weather conditions sa lugar.

Umaasa si Artes na ang karanasan ng mga ito mula sa Turkiye ay magagamit para sa paghahanda naman ng bansa sa pinangangambahang “The Big One” sa pamamagitan ng itatayo ng ahensiya na Disaster Preparedness Training Center.

Kasama sa humanitarian team ang mga tauhan ng MMDA, Department of Health, Armed Forces of the Philippines, at Office of the Civil Defense. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *