Dagdag na benepisyo at seguridad sa mga public social worker aprubado na ng DSWD
Nilagdaan na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang dalawang Administrative Order (AO) na nagbibigay ng mga karagdagang benepisyo at seguridad sa mga Public Social Workers (PSWS) at Public Social Welfare and Development Workers (PSWDWs).
Isinagawa ang ceremonial signing araw ng Lunes, ika-6 ng Marso 2023.
Sa ilalim ng Administrative Order on the Guidelines in Providing Specific Criteria and Administrative Procedures on the Grant of Each Magna Carta Benefit to Public Social Workers (PSWs), ginagarantya na lahat ng public social workers (PSWs) sa DSWD ay makakatanggap ng mga sumusunod sa sandalıng mairekomenda ng Technical Working Group:
✅ Karagdagang bayad para sa mga serbisyong ginawa na lampas sa karaniwang oras ng trabaho at hindi araw ng trabaho
✅ Hazard Pay
✅ Subsistence Allowance
✅ Mga Gastusin sa transportasyon/travel expenses
✅ Longevity Pay
✅ Libreng living quarters o quarters allowance
✅ Highest Basic Salary upon retirement
✅ Clothing Allowance
Nilagdaan din ni Gatchalian ang AO on the Guidelines in Providing Specific Criteria and Administrative Procedures on the Grant of Hazard Pay for Public Social Welfare and Development Workers.
Ayon kay Sec. Gatchalian, makatutulong sa mga pampublikong social worker ang dalawang napirmahang Adminsitrative Order, na layong mabigyan sila ng proteksyon at benepisyong nararapat.
Pinasalamatan naman ni Sec. Gatchalian si dating DSWD Secretary Erwin Tulfo sa pangunguna sa pagbuo ng mga administrative orders na nakatuon sa pagtulong sa mga pampublikong social worker. (DDC)