Operasyon ng mga pampasaherong jeep sa ilang lungsod sa NCR, normal ayon sa Malakanyang

Operasyon ng mga pampasaherong jeep sa ilang lungsod sa NCR, normal ayon sa Malakanyang

Normal ang operasyon ng mga pampasaherong jeep sa ilang mga lungsod sa Metro Manila ngayong unang araw ng tigil-pasada.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), base sa ulat ng inter-agency monitoring team, patuloy ang normal na operasyon ng mga jeep sa Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Sinabi ng PCO na nananatili ding normal ang operasyon ng EDSA Busway at sapat ang bilang ng mga bus upang bigyang-serbisyo ang mga commuter.

Naka-deploy naman ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa mga lokasyon ng “Libreng Sakay” upang siguruhin ang kaayusan sa kalsada.

Ang pamahalaan ay mayroong handog na libreng sakay sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila para masigurong matutulungan ang mga apektadong pasahero.

Dagdag pa rito ang kani-kaniyang libreng sakay ng mga lokal na pamahalaan sa NCR. (DDC).

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *