Oil spill na dulot ng paglubog ng MT Princess Empress aabot sa northern Palawan
Posibleng umabot sa mainland ng northern Palawan ang oil spill na dulot ng paglubog ng MT Princess Empress sa Mindoro.
Sa forecast ng UP Marine Science Institute, aabot sa Cuyo Islands, Palawan ang oil spill sa mga susunod na araw at sa loob ng isang linggo ay makakaabot pa ito sa northern Palawan.
Makikita sa larawang ibinahagi ng UP Marine Science Institute ang projected trajectory ng oil slick mula March 7 hanggang March 12.
Ayon sa pagtaya ng UP, magpapatuloy na kumalat pa-south west patungong Cuyo group of islands ang oil spill.
Pagsapit ng Mrch 12 ay aabot na ito sa northern Palawan mainland.
Una nang sinabi ng UP na umabot na sa mahigit 36,000 na ektarya ng coral reefs, mangroves, at seagrass ang posibleng naapektuhan ng oil slick. (DDC)