Davao de Oro niyanig ng magnitude 5.3 na lindol
Tumama ang magnitude 5.3 na lindol sa lalawigan ng Davao De Oro.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 22 kilometers southeast ng New Bataan, 4:43 ng umaga ng Lunes (March 6).
May lalim na 2 kilometers ang payanig at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV
– New Bataan, Maco, and Mawab, Davao De Oro
Intensity III
– Nabunturan, Davao De Oro
Intensity II
– Laak, Davao De Oro
Intensity I
– Bislig City, Surigao del Sur
Ayon sa Phivolcs posoibleng magdulot ng aftershocks ang naranasang lindol. (DDC)