Sa pagsisimula ng unang araw ng tigil-pasada, marami pa rin ang bumiyahe ayon sa MMDA

Sa pagsisimula ng unang araw ng tigil-pasada, marami pa rin ang bumiyahe ayon sa MMDA

Patuloy ang pag-monitor ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa sitwasyon sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila sa unang araw ng transport strike.

Maagang nagpulong ang command center na pinangungunahan ni MMDA Acting Chairman Don Artes at MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana, head ng Inter-Agency Task Force Monitoring Team secretariat.

Sa nasabing command center tinatanggap ang tawag mula sa field kung may stranded na pasahero para sa deployment ng Libreng Sakay.

May monitoring din ng lansangan ng Metro Manila sa pamamagitan ng CCTVs.

Ayon kay Artes, maaga pa lamang ay naka-preposition at standby na ang mga sasakyan na magsasakay mga pasahero na maaapektuhan ng transport strike.

Idedeploy lamang ang mga sasakyan kung kinakailangan dahil marami ring bumibiyahe.

Siniguro naman ni Chairman na maraming assets ang nakaready idispatch kaya hindi dapat mangamba ang publiko. (DDC, Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *