DOH namahagi ng health supplies sa Oriental Mindoro; toxicology experts naka-standby na
Nagbigay ng suplay ang Department of Health (DOH) sa lalawigan ng Oriental Mindoro na magagamit sa mga lugar na apektado ng oil spill.
Personal na nagutngo sa lalawigan si Department of Health Officer-in-Charge Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire, para magbigay ng tulong sa lugar.
Tinalakay din ng DOH sa mga lokal na opisyal ng lalawigan ang pagpapabuti pa ng patient referral, local health facility, at capacity building sa probinsya.
Kabilang sa ipinagkaloob ng DOH ang mga gamot, face masks, nebulizers, oxygen concentrators, at iba pang suplay.
Ang mga suplay na ito ay mula sa available stockpiles ng Jose Reyes Memorial Medical Center, Las Pinas General Hospital and Satellite Trauma Center, Tondo Medical Center, Valenzuela Medical Center, National Children’s Hospital, at National Kidney and Transplant Institute.
May naka-standby na din na DOH toxicology experts sakaling kailanganin. (DDC)