Pagkuha ng tubig inumin sa mga bukal sa coastal areas sa Oriental Mindoro ipinahihinto muna
Ipinagbawal muna ang pagkuha ng tubig inumin sa mga bukal sa mga barangay sa coastal areas Oriental Mindoro.
Kasunod ito ng epekto ng oil spill dahil sa paglubog ng MT Princess Empress.
Ang utos ay inilabas ni Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor batay sa rekomendasyon ni Department of Health (DOH) OIC Maria Rosario Vergerie na pansamantalang ipatigil ang pagkuha ng tubig inumin mula sa ilalim ng lupa para sa mga coastal barangay sa lalawigan na apektado ng oil spill.
Ayon sa gobernador, ang Pamahalaang Panlalawigan ay mamamahagi ng tubig inumin para sa mga apektadong barangay.
Ito ay upang maisiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa maaaring maging epekto sa kalusugan. (DDC)