Las Piñas LGU may handog na libreng sakay
Maghahandog ng libreng sakay ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Las Piñas para sa mga pasaherong maaapektuhan sa inaasahang tigil pasada o transport strike mula Marso 6-12.
Agad inihanda ng Las Piñas LGU ang pagtatalaga ng mga sasakyan para sa handog na libreng sakay na sisimulan ng alas-5:00 ng madaling araw hanggang 9:00 ng gabi sa mga sumusunod na ruta:
*Zapote-Honda Daang Hari
*Zapote-Kabihasnan Parañaque
*Marcos Alvarez Road
Pinapaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang publiko na maging alerto at pag-ibayuhin ang pag-iingat sa lahat ng oras lalo na sa ganitong transport strike. (Bhelle Gamboa)