Blended mode of learning ipatutupad sa mga paaralan sa Legazpi City sa kasagsagan ng tigil-pasada

Blended mode of learning ipatutupad sa mga paaralan sa Legazpi City sa kasagsagan ng tigil-pasada

Magpapatupad ng blended mode of learning sa mga paaralan sa Legazpi City sa Albay sa kasagsagan ng isasagawang isang linggong tigil-pasada.

Ayon sa abiso ni City Mayor Carmen Geraldine Rosal, sakop ng kautusan ang mga pampubliko at pribadong paaralan.

Maaaring magpatupad ng modular o online learning ang mga paaralan para magpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante sa kabila ng isang linggong strike.

Ipinaubaya naman ng City Government sa mga kumpanya at establisyimento ang pagpapasya kung magsususpinde ng pasok sa trabaho.

Inatasan ni Rosal ang lahat ng Barangay DRRM Committees, kanilang task units at City Emergency Operations Center na itaas ang kanilang alerto. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *