MMDA magpapakalat ng 25 Libreng Sakay vehicles

MMDA magpapakalat ng 25 Libreng Sakay vehicles

Magdedeploy ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 25 na sasakyang gagamitin sa kanyang libreng sakay sa mga maaapektuhan sa isang linggong transport strike simula sa Lunes, Marso 6.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes nakalatag na aniya ang contingency measures pra siguruhing hindi mahihirapan ang publiko partikular ang mga pasahero at hindi maparalisa ang operasyon ng transportasyon sa kasagsagan ng tigil pasada ng transport group Manibela.

Inanunsyo ni Artes ang pagpapakalat ng mga sasakyan ng ahensya na mag-aalok ng libreng sakay kabilang ang apat na air-conditioned bus, dalawang non-air-conditioned bus, at 13 commuter vans.

“These libreng sakay vehicles that we will deploy starting Monday can carry around 1,200 passengers per trip,” ani Artes.

“We assure the public that we are ready and our assets and resources are readily available for dispatch to areas where there are reported stranded commuters to not compete against those transport groups who will not be joining the strike,” paliwanag ni Artes.

Aniya patuloy ang isinasagawang assessment ng ahensya kung kailangan bang suspendihin ang expanded number coding scheme sa naturang linggo at inaalam pa ng inter-agency task force ang posibleng maaapektuhang mga ruta at timbangin ang maaaring mga epekto ng tigil pasada.

Sang-ayon din si Artes sa pagpapatupad ng online classes hanggang sa huling araw ng transport strike upang mabawasan ang posibleng ma-istranded na mga pasahero.

“We also encourage the public to remain in their homes, especially on Monday, if there are no important matters which they have to attend to,” panawagan ni Artes.

Binalaan naman ni MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana, pinuno ng inter-agency secretariat, ang mga motorista na huwag magsamantala sa sitwasyon sa susunod na mga araw.

“We will have our full deployment in the MMDA and in the Philippine National Police – National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) and we are on alert in case there will be incidents of snobbing and overcharging passengers.”

Mahigit 2,000 na tauhan ng MMDA ang ipapakalat upang imonitor ang mga sitwasyon na naatasang magbigay ng agarang mga ulat sa mga lugar kung saan mayroong stranded na mga pasahero.

Sinabi naman ni Department of National Defense Assistant Secretary Henry Robinson na handa silang magdeploy ng mga sasakyan sa inter-agency task force.

Ang PNP-NCRPO, sa pamamagitan ng pahayag ni Operations Officer Col. Roman Arugay na magpapatupad sila ng maximum tolerance sa mga sasali sa tigil-pasada.

Nakahanda rin ang Department of Interior and Local Government na alamin ang sitwasyon sa mga local government units, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan nakipag-usap na sa mga bus companies sakaling kailanganin ng augmentation, at ng Office of the Executive Secretary na sumiguro na ang ibang opisina ng gobyerno ay magbibigay ng libreng sakay gamit ang employees shuttle services.

Ilang Metro Manila LGUs kabilang ang Las Piñas, Taguig at Muntinlupa ay nag-alok na rin ng kanilang libreng sakay para sa nasabing transport strike.

Ang isang linggong tigil pasada ay bilang protesta ng transport group sa PUV Modernization Program ng gobyerno. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *