Ipinakakalat na impormasyon tungkol sa P1K social pension sa lahat ng senior sa buong bansa, peke ayon sa DSWD

Ipinakakalat na impormasyon tungkol sa P1K social pension sa lahat ng senior sa buong bansa, peke ayon sa DSWD

Pinag-iingat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko sa mga ipinadadalang spam text messages at social media posts na nagsasabing lahat ng senior citizens sa bansa ay makatatanggap ng buwanang pensyon na P1,000 mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) simula ngayong Marso.

Ayon DSWD, sa nasabing mga post at SMS ay hinihikayat ang publiko na magparehistro para makatanggap ng pensyon.

Pero ayon sa kagawaran, hindi requirement ang ‘registration’ para maging benepisyaryo ng Social Pension for Indigent Senior Citizens.

Maliban dito ay wala pang schedule na itinatakda ang DSWD para sa pagpapalabas ng dagdag na P500 dahil hindi pa available ang budget para dito.

Paalala ng kagawaran sa publiko, maging mapagmatyag at huwag maniwala sa mga natatanggap na text messages mula sa mga hindi kilalang indibidwal gayundin ang mga ibinahaging unverified social media content.

Ayon sa DSWD ang pamamahagi ng monthly Social Pension na P500 para sa indigent senior citizens ay nagpapatuloy at ang dagdag na P500 monthly stipend ay ipatutupad sa sandaling maipalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para dito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *