Barko ipadadala ng NAMRIA sa Naujan, Oriental Mindoro para mahanap lokasyon ng lumubog na MT Princess Empress ayon sa DENR
Nagtungo sa Naujan, Oriental Mindoro si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga kaugnay sa insidente ng oil spill sa Oriental Mindoro na dulot ng paglubog ng MT Princess Empress.
Personal na nagtungo si Loyzaga sa Incident Command Post sa Barangay Estrella araw ng BIyernes, Marso 3.
Ayon kay Loyzaga, sa ngayon ay importanteng mahanap kung saan talaga lumubog yung barko upang makita ang mga marine habitat ang maaapektuhan.
Batid ng kalihim na apektado din ng insidente ang kabuhayan ng mga mangingisda sa Oriental Mindoro.
Kaugnay nito, ipinahayag ng kalihim na magde-deploy ang National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) ng isang barko na may kakayahang alamin ang kinaroroonan ng lumubog na oil tanker.
Patuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan ng DENR sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan hinggil sa insidente. (DDC)