LGUs sa Metro Manila may handog na Libreng Sakay ara sa mga maaapektuhan ng tigil-pasada

Magbibigay ng Libreng Sakay ang mga local govenment unit sa Metro Manila para sa idaraos na tigil-pasada ng mga transport group mula March 6 hanggang March 12, 2023.
Sa abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, magtatalaga ito ng city bus, trucks, flexi vans, e-jeepneys at iba pang sasakyan mula 5:00am hanggang 9:00pm sa sumusunod na mga ruta:
RMT to Alabang Viaduct and vice versa (National Road)
Alabang Viaduct to Sucat and vice versa (East Service Road)
South Station to Sucat and vice versa (West Service Road)
South Station to Buencamino and vice versa (Alabang-Zapote Road)
Biazon Road (Southville III)
Sucat to Poblacion and vice versa (Baybayin)
Sa Taguig City, ang libreng sakay ay sa March 6 hanggang 12 din simula 5AM hanggang 9:AM at 4PM hanggang 9PM.
Narito ang mga sumusunod na ruta ng libreng sakay:
Route 1: Bagumbayan → Cayetano Blvd. corner General Luna (vice versa)
Route 2. Napindan/Tipas/Sta. Ana → Cayetano Blvd. corner General Luna (vice versa)
Route 3. Waterfun → Market-Market (vice versa)
Route 4. Waterfun → Gate-3 (vice versa)
Route 5. DOST → Market-Market (vice versa)
Route 6. BCDA Petron → Market-Market (vice versa)
Route 7. Cayetano corner Gen. Luna → Petron BCDA