Face-to-face classes sa Marikina City sa mga araw ng tigil-pasada suspendido

Face-to-face classes sa Marikina City sa mga araw ng tigil-pasada suspendido

Sinuspinde ng Marikina City local government ang face-to-face classes sa mga paaralan sa lungsod sa mga araw ng pagpapatupad ng tigil-pasada.

Sa inilabas na abiso ng Marikina City PIO, bunsod ng nakaambang malawakang tigil-pasada, suspendido ang face-to-face o in-person classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.

Sa mga araw na mayroong tigil-pasada, ipagpapatuloy ng mga mag-aaral ang kanilang gawain at pag-aaral sa kanilang tahanan gamit ang kanilang modules.

Maaari ding ituloy ang klase sa pamamagitan ng online classes bilang alternative learning modality.

Una nang sinabi ng grupong “Manibela” na uumpisahan ang isang linggong tigil-pasada sa March 6 araw ng Lunes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *