Lawak ng pinsala ng oil spill sa karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro nabawasan na
Pinangunahan ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio Abu ang pagsasagawa ng aerial surveillance sa Naujan, Oriental Mindoro umaga ng Biyernes (March 3).
Ito ay upang personal na makita ang lawak ng pinsala ng oil spill bunsod ngp aglubog ng MT Princess Empress.
Ayon sa update mula sa Coast Guard Aviation Force (CGAF), nabawasan na ang lawak ng pinsala ng oil spill.
Sinabi ng PCG na nasa 2 to 3 kilometer long oil spillage na lamang ang kanilang na-monitor.
Noong March 1, nakapagtala ang CGAF ng six-kilometer-long oil spillage.
Nagpapatuloy din ang pagsasagawa ng shoreline assessment at shoreline clean-up ng PCG sa mga apektadong baybayin sa mga apektadong bayan sa Oriental Mindoro. (DDC)