Drug courier arestado sa Abra De Ilog Port sa Occidental Mindoro

Drug courier arestado sa Abra De Ilog Port sa Occidental Mindoro

Isang lalaki na ang naaresto sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Coast Guard K9 Team Abra-de Ilog, Coast Guard Sub-station – Abra de Ilog, Municipal Police Station-Abra de Ilog, at PNP Maritime Group sa Occidental Mindoro.

Sakay ng MV Soledad galing ng Batangas papuntang Abra de Ilog ang naitimbreng “drug courier”, kaya ikinasa agad ang operasyon.

Nang dumating na sa pantalan ng Abra de Ilog ang MV Soledad, agad nagsagawa ng paneling at inspeksyon sa mga bagahe ng mga pasahero gamit ang isang Narcotics Detection Dog ng Coast Guard K9 Team Abra de Ilog.

Nagkaroon ng postive indication si ang Coast Guard Woprking Dog na si “Laica” sa isang bag pack na pagmamay-ari ng isang alyas Rod, 47, at residente ng Sta. Cruz, Laguna.

Nakuha sa mga gamit ng suspek ang dalawang transparent plastic sachet na may white crystalline residue na hinihinalang “shabu”, digital weighing scale, at iba pang drug paraphernalia.

Agad isinailalim ang suspek sa kustodiya ng pulisya para sa karagdagang inbestigasyon at posibleng pagsampa ng kaso dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *