Annual budget ng 31 barangay sa Dagupan City, aprubado na
Maituturing nang aprubado at wala nang saysay pang talakayin ng 7 majority ang annual budget ng mga barangay sa Dagupan City.
Sa ilalim kasi ng Local Government Code Section 333, kung sa loob ng 60 araw matapos matanggap ang ordinansa ay bigo ang Sanggunian na aksyunan ito, ay magiging “full force” at “in effect” ang ordinansa.
Noong December 28, nakaraang taon pa, naisumite ng 31 barangay councils sa Sangguniang Panlungsod (SP) members ang kanilang proposed 2023 annual budget.
Nitong Martes lamang, February 28 naisip ng Sanggunian na talakayin ito sa kanilang sesyon.
Pero lagpas na ito sa 60 araw na itinatakda ng local Government Code.
Salig sa DILG opinion, maaari nang gamitin ng mga barangays councils ang kanilang pondo. (DDC)