Security officer sa NAIA inaresto matapos magnakaw ng relo ng isang Chinese national

Security officer sa NAIA inaresto matapos magnakaw ng relo ng isang Chinese national

Inaresto ang isang Security Screening Officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos nitong nakawin ang relo ng isang pasaherong Chinese.

Ang pag-aresto ay ginawa ng Office for Transportation Security (OTS) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) at Manila International Airport Authority – Airport Police Department.

Kinilala ang inaresto na si airport Security Screening Officer (SSO) identified as Valeriano Diaz Ricaplaza Jr, 31-anyos.

Ayon sa imbestigasyon, kinuha ni Ricaplaza took ang relo ng Chinese na si Sun Yuhong habang sumasailalim sa security screening procedure ang pasahero.

Itinanggi pa ni Ricaplaza sa simula ang insidente.

Nang i-review ang CCTV footages nakita ang pagkuha ni Ricaplaza sa relo.

Una nang nagtalaga ng OTS Regional Heads at Terminal Chiefs para regular na mag-inspeksyon, mag-monitor at mag-oversee sa security screening operations sa mga paliparan para matukoy kung may mga nagaganap na ilegal na aktibidad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *