Deadline sa pag-phase out ng mga tradisyonal na jeep pinalawig hanggang Dec. 31, 2023
Pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang deadline para sa pag-phase out ng mga traditional jeep hanggang sa katapusan ng taong 2023.
Ang phaseout ay ipapataw sa mga tradisyonal na jeep na mabibigong i-consolidate ang kanilang prangkisa sa ilalim ng mga kooperatiba.
Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz sa halip na sa June 30 ay ginawa nilang Dec. 30 ang deadline.
Kasunod ito ng payo ni Transportation Sec. Jaime Bautista.
Sa pagpapalawig ng deadline, sinabi ni Guadiz na magkakaroon ng mas mahabang panahon ang mga operator at driver na makatugon sa requirements.
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2023-013 ng LTFRB, iniuutos ang mandatory consolidation ng prangkisa ng mga jeep salig sa transport modernization program ng pamahalaan. (DDC)