Interconnectivity requirements ng Metro Manila LGUs tinalakay

Interconnectivity requirements ng Metro Manila LGUs tinalakay

Tinalakay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO) at mga Information Technology Heads ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang interconnectivity requirements ng NCR local government units (LGUs) sa Land Transport Management System (LTMS) ng LTO.

Sa ginanap na pulong,nagbigay ng status report ang mga LGU at assessment sa kanilang mga gagamiting sistema at teknolohiya para maging konektado sa database ng LTO.

Sa pamamagitan ng interconnectivity, makikita na ng lahat ng Metro Manila LGUs, kasama ang MMDA at LTO, ang record ng isang driver kasama ang mga traffic related violations nito.

Bahagi ang interconnectivity sa LTMS ng LTO nang ipapatupad na single ticketing system na magreresulta sa magkakaparehong halaga ng mga tinukoy na pinakakaraniwang paglabag sa batas trapiko sa Metro Manila Traffic Code.

Inaasahang maipapatupad ang single ticketing system sa Abril. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *