PNP bumili ng P1.2B na halaga ng mga bagong kagamitan
Aabot sa mahigit P1.2 billion na halaga ng mga bagong kagamitan ang binili ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng pagpapalakas pa ng pwersa nito.
Kasama sa mga bagong gamit ang sea at land mobile transport assets, firearms at communication equipment.
Ayon kay PNP chief PGen Rodolfo Azurin, ang pagtupad sa mandato ng pambansang pulisya ay hindi lang nakasalig sa talento at husay ng kanilang mga tauhan kundi maging sa kalidad ng kanilang mga kagamitan.
Sinabi ni Azurin na sa pagbili ng mga bagong gamit, mas mapalalakas ang law enforcement capabilities ng pambansang pulisya.
Kabilang sa mga bagong ang 2 units ng high-speed tactical watercraft, 200 units ng patrol vehicles, 326 motorcycles, 10 utility tracks, 4,033 units 5.56mm Basic Assault Rifle (Galil), 9,544 units ng 9mm Striker fired pistols, 5,458 digital handheld radios, at 221 units VHF lowband handheld radios.
Ipamamahagi ang mga ito sa iba’t ibang PNP units sa buong bansa.
Ang pagbili ng mga bagong gamit ay pinondohan sa ilalim ng PNP Capability Enhancement Program (CEP) para sa taong 2020 at 2021. (DDC)