Paniningil ng P20 na Eco Tourism Fee sa Montalban, ipatutupad na muli simula ngayong araw (Mar. 1)
Simula ngayong araw, March 1 ay balik na muli ang paniningil ng P20 na Ecological Tourism Activity Fee para sa mga turista na nagtutungo sa Montalban, Rizal.
Sa abiso ng Pamahalaang Bayan ng Montalban, ito ay bilang pagpapatupad ng umiiral na Municipal Ordinance No. 09 Series of 2021.
Payo ng pamahalaang bayan sa mga bisita, lagin humingi ng Montalban Ticket Postcard na mayroong control number kapag nagbayad ng P20.
Mananatili namang libre sa Eco Tourism Fee ang mga residente ng Montalban basta’t magpakita lamang ng valid ID na mayroong Montalban home address.
Kung magha-hike at iba pang mountain-based activities, required ang mga bisita kabilang ang mga residente ng bayan na kumuha ng Tourist Guide para na rin sa kanilang kaligtasan.
Inabisuhan naman ang lahat ng mga siklista at motorcycle riders na palagiang magsuot ng helmet.
Ang kita mula sa Eco Tourism Fee ay napupunta sa munisipyo, barangay at at mga Indigenous People. (DDC)