Calendar of activities para sa 2023 Brgy. and SK Elections inilabas ng Comelec
Magsisimula sa Hulyo 2023 ang mga aktibidad para sa idaraos na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa buwan ng Oktubre.
Sa calendar of activities na inilabas ng Commission on Elections (Comelec), sa July 3 hanggang July 7, 2023 ang filing ng Certificate of Candidacy (COC).
Simula July 3 din ay iiral na ang election period at ipatutupad na ang gun ban.
Tatagal ang gun ban at election period hanggang sa Nov. 14, 2023.
Bawal ang pangangampanya mula July 8 hanggang Oct. 18.
Habang sa Oct. 19 hanggang Oct. 28 itinakda ang campaign period.
Iiral naman ang liquor ban mula Oct. 29 hanggang Oct. 30 at mahigpit na ring ipagbabawal ang pangangampanya sa nasabing petsa.
Sa Oct. 30 ang mismong araw ng botohan mula 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
At sa Oct. 29 ang huling araw ng pagsusumite ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) ng mga kumandidato. (DDC)