May kalakasang pagyanig tumama sa Surigao del Sur at Davao Occidental
Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Surigao de Sur.
Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 43 kilometers northeast ng Hinatuan, 4:11 ng madaling araw ng Miyerkules (March 1).
May lalim na 22 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity III sa Bislig City, Surigao del Sur.
Samantala, niyanig din ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 316 kilometers southeast ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, 6:06 ng umaga.
33 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic.
Ayon sa Phivolcs, aftershock ito ng magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Davao Occidental. (DDC)