Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim darating sa bansa
Darating sa bansa bukas (March 1) si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.
Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), ang pagbisita ng Malaysian Prime Minister ay simula bukas March 1 at sa March 2.
Ayon sa PCO, sasalubungin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Prime Minister sa isang seremonya sa Malakanyang.
Matapos ito ay magkakaroon ng bilateral meeting sa pagitan ng dalawang lider at kabilang sa tatalakayin ang political, security at economic cooperation ng dalawang bansa.
Inaasahan ding pag-uusapan ng dalawang lider ang regional at international issues.
Magkakaroon din ng dinner banquet para sa Prime Minister. (DDC)