Libertad sewage treatment plant pinasinayaaan ng MMDA at DENR
Pinasinayaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Libertad Sewage Treatment Plant (STP) sa Pasay City na makatutulong na mabawasan ang polusyon sa tubig at mapaganda ang kalidad ng tubig sa Manila Bay.
Ito ang resulta sa pagtutulungan ng MMDA, DENR at Philippine Reclamation Authority, ang Libertad STP ang maglilinis sa maruming tubig mula sa Tripa de Gallina kung naglalabas ng wastewater sa Libertad Channel at napupunta naman sa Manila Bay ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes.
“In an effort to rehabilitate Manila Bay, we shall collaborate regularly to make sure we succeed in our mission,” ani Artes.
Kaya ng Libertad STP na itreat o linisin ang 10 na milyong litro ng maruming tubig kada araw at mayroon pa na catchment area na 779 na ektarya.ang natreat na maruming tubig ay gagamitin sa pagdidilig ng mga halaman at water supply ng firetrucks sa Pasay City.
Pangangasiwaan ng MMDA ang pagmamantina at operasyon ng treatment plant na katulad sa unang STP sa Maynila na may solar panel system upang mabawasan ang gastusin sa maintenance at kuryente.
“The MMDA ensures to put all its efforts into maintaining and operating the STP similar to the first fully-operational solar-powered STP along Roxas Boulevard in Manila,” dugtong ni Artes.
Sa patuloy na rehabilitasyon sa Manila Bay kasama na ang operasyon sa Baywalk STP, ang datos mula sa DENR ay nagpakita ng malaking pagbuti ng kalidada ng tubig na ipinakita sa unti-unting pagbaba ng fecal coliform levels.
“I am happy to share with you that the said STP which had an influent of 170 million mpn/100ml last December 2022, was able to have an effluent of 2 mpn/100ml which is within the fecal coliform standard of 100mpn/100ml,” sabi Atty. Jonas R. Leones, DENR Undersecretary for Policy, Planning and International Affairs,na kinatawan ni DENR Secretary Antonia Loyzaga.
Ang pagtatayo ng STP at wastewater interceptor sa Libertad Outfall ay isa sa mga proyektong nakalista sa Memorandum of Agreement (MOA) na pinasok ng DENR at MMDA noong Marso 2021 para sa implementasyon ng Manila Bay Rehabilitation Program na layung ibaba ang level ng fecal coliform sa lawa.
“This will surely not be the last STP we are having as the establishment of this infrastructure in other areas covered by Manila Bay has already been put into plan this year. We hope to develop other facilities in other regions of Manila Bay to efficiently treat wastewater and, eventually, avoid unfavorable health risks to residents and aquatic ecosystems,” dugtong nito. (Bhelle Gamboa)