Las Piñas Sanggunian nagsagawa ng 29th regular session

Las Piñas Sanggunian nagsagawa ng 29th regular session

Ilang prayoridad na mga hakbang at mga kaganapan ang masusing tinalakay ng Sangguniang Panlungsod ng Las Pinas sa kanyang ika-29 na regular na sesyon nitong Pebrero 27.

Kabilang sa mga pinag-usapan ng mga miyembro ng konseho ang isang resolusyon na nagpapanukala ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng alkalde ng lungsod at Department of Social Welfare Administration (DSWD) ukol sa supplementary feeding program ngayong 2023.

Bukod dito, tinalakay din ang aplikasyon para sa location clearance ng panukalang Multi-Purpose Building ng Philippine Fiber Industry Development Authority, at MOA sa pagitan ng Las Piñas LGU, Las Piñas Doctors Hospital, Inc. at Las Piñas City Medical Center, Inc. kaugnay sa pagpapalawak pa ng hospitalization program ng lokal na pamahalaan para sa tuluy-tuloy na kasiguraduhan ng kalusugan at kapakanan ng mamamayan nito.

Dumalo sa sesyon ang kumpletong bumubuo ng konseho ng lungsod na pinamumunuan ni Vice Mayor April Aguilar, at mga konsehal na sina Councilors Danilo V. Hernandez, Mark Anthony Santos, Oscar C. Peña, Filemon C. Aguilar III, Lord Linley R. Aguilar, John Jess C. Bustamante, Emmanuel Luis C. Casimiro, Florante S. Dela Cruz, Henry C. Medina, Rex H. Riguera, Liga ng mga Barangay President Roberto H. Cristobal, at Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Rachelle R. Dela Peña. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *