Barko na may lulang 800,000 litro ng industrial fuel oil lumubog sa Naujan, Oriental Mindoro
Rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG) sa maritime incident na naganap sa Balingawan Point, Naujan, Oriental Mindoro.
Ayon sa Coast Guard, lumubog ang kalahati ng motor tanker na MT PRINCESS EMPRESS.
May kargang 800,000 litro ng liters of industrial fuel oil ang naturang barko.
Sakay din ng barko ang 20 crew at patungo sana sa Iloilo.
Nailigtas naman ng foreign vessel na MV EFES ang 20 crew ng barko na pawang nasa maayos na kondisyon.
Ayon sa PCG, ipinadadala na sa lugar ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) at isang airbus helicopter.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng problema sa makina ng barko dahil sa overheating.
Nagtungo na din sa lugar ang Coast Guard District Southern Tagalog para tumulong sa pag-assess sa posibleng oil spill. (DDC)