Davao City Govt. umapela ng tulong para sa mga nasunugan sa Brgy. 21-C
Umapela ng tulong ang Davao City Local Government para sa mga pamilyang nasunugan sa Barangay 21-C.
Sa inilabas na abiso ng City Government, nagtayo ito ng donation drop-off point para sa mga nagnanais na tumulong.
Ang drop-off point ay matatagpuan sa Task Force Davao Headquarters sa Sta. Ana Wharf, Davao City.
Bukas ito mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon hanggang sa March 1, 2023.
Narito ang mga kailangang tulong ng mga nabiktima ng sunog:
– Food (canned goods, rice, biscuits)
– Bottled Water
– Hygiene Kits (soap, toothbrush, toothpaste)
– Sleeping materials (banig, blanket, pillow)