Pitong araw na tigil-pasada ikinakasa ng iba’t ibang transport groups

Pitong araw na tigil-pasada ikinakasa ng iba’t ibang transport groups

Magsasagawa ng pitong araw na tigil-pasada ang iba’t ibang transport groups sa Metro Manila at iba pang rehiyon sa bansa.

Ito ay bilang pagpapakita ng kanilang pagtutol sa pag-phaseout sa mga tradisyonal na pampasaherong jeep.

Ayon kay “Manibela” national president Mar Valbuena, magsisimula ang tigil-pasada sa March 6 na inaasahang lalahukan ng 40,000 na traditional jeepneys at UV express.

Sinabi nI Balbuena na dahil sa dami ng lalahok na pampasaherong jeep at UV express ay mapaparalisa ang public tranportation.

Isasagawa aniya ang tigil-pasada sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at iba pang rehiyon.

Maliban sa grupong Manibela, lalahok din sa tigil-pasada ang mga grupong including the Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide, Alsa Jeep, at National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines.

Hinihikayat nila ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibasura ang June 30 deadline para sa mga traditional jeepney operators at drivers nalumahok sa mga kooperatiba.

Ani Valbuena base sa utos ngLTFRB, kung mabibigo ang mga driver at operator na makasunod sa deadline ay mababalewala ang kanilang prangkisa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *