Pagpapaigting ng operasyon laban sa loose at illegal firearms iniutos ng DILG

Pagpapaigting ng operasyon laban sa loose at illegal firearms iniutos ng DILG

Tinatrabaho na ng Philippine National Police (PNP) ang mga insidente ng pananambang sa ilang mga local officials nitong mga nakaraang araw.

Ito ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Benjamin “Benhur” C. Abalos, Jr. matapos ang sunud-sunod na insidente ng pananambang kamakailan.

Kaugnay nito ay inatasan ni Abalos ang PNP na mas paigtingin pa ang kampanya laban sa private armed groups at iligal na armas o loose firearms sa bansa, lalo na sa Mindanao.

“Kailangang tukuyin at buwagin ang mga PAGs na ito at kumpiskahin ang loose firearms na nasa kanilang pag-aari na maaaring ginagamit nila sa mga iligal na gawain,” ani Abalos.

Ayon pa kay Abalos, nagbigay rin siya ng direktiba sa PNP na paigtingin ang police visibility sa mga komunidad para magdalawang-isip ang mga masasamang-loob at mapanatag rin ang kalooban ng mamamayan.

Hinihiling ng kalihim ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng publiko sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Nitong mga nakalipas na araw ay inambush si Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Alonto-Adiong, Jr., Vice Mayor Rommel Alameda ng Aparri, Cagayan at ang pinakahuli ay si Mayor Ohto Montawal ng Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao del Sur.

Nakaligtas si Gov. Adiong at Mayor Montawal samantalang nasawi naman si Vice Mayor Alameda. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *