Main office ng Smart Communications Inc. sa Makati City ipinasara ng LGU dahil sa P3.2B na utang sa buwis
Isinilbi ng mga inspektor mula sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng Makati City Hall ang closure order sa headquarters ng Smart Communications Inc. sa Ayala Ave., Brgy. San Lorenzo .
Ito ay dahil sa kabiguan umano ng kumpanya na kumuha ng business permit simula pa taong 2019.
Ayon kay City Administrator Atty. Claro Certeza nabigo rin ang Smart Communications na mabayaran ang franchise tax deficiency nito P3.2 billion.
Ang nasabing halaga ng buwis ay mula January 2012 hanggang December 2015.
Sa naturang closure order inatasan ang Smart na ihinto ang operasyon ng naturang establisyimento. (DDC)