P5.7M na halaga ng shabu itinago sa mga butones, nakumpiska sa Clark

P5.7M na halaga ng shabu itinago sa mga butones, nakumpiska sa Clark

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang aabot sa P5.7 million na halaga ng shabu na itinago sa mga butones ng damit.

Idineklarang “dress” ang laman ng kargamento na dumating sa Port of Clark galing sa Harare, Zimbabwe.

Isinailalim ito sa K9 sniffing at x-ray scanning procedures.

Nang magsagawa ng physical examinations ay doon natagpuan ang mga hinihinalang shabu na itinago sa loob ng 255 na mga butones.

Sa isinagawang pagsusuri ng PDEA ay nakumpirmang shabu nga ang laman ng kargamento.

Agad nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention si District Collector John Simon sa kargamento dahil sa paglabag sa R.A. No. 10863 in relation to Section 4 ng R.A. No. 9165. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *