Spain kauna-unahang bansa sa Europa na nagpairal ng ‘paid menstrual leave’

Spain kauna-unahang bansa sa Europa na nagpairal ng ‘paid menstrual leave’

Inaprubahan sa bansang Spain ang pagkakaroon ng paid menstrual leave sa mga babaeng empleyado na nakararanas ng hirap kapag dumarating ang buwanang dalaw.

Sa botong 185-154 ay naipasa ang batas na magbibigay ng paid menstrual leave sa mga babaeng empleyado sa Spain.

Ang Spain ang naging kauna-unahang bansa sa Europa na mayroong ganitong batas.

Sa pag-aaral na inilabas ng BMJ Open Journal, nawawala ang pagiging produktibo ng mga babaeng napipilitang pumasok sa trabaho kapag sila ay mayroong period.

81 percent sa mga babaeng empleyado ang nagsabing may negatibong epekto sa kanilang output ang nagtatrabaho sila kahit may buwanang dalaw.

Sa buong mundo, ang “paid menstrual leave” ay umiiral na sa Japan, Taiwan, Indonesia, South Korea, at Zambia. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *