COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba pa sa 1.6 percent
Nananatiling nasa “Low” ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila sa nakalipas na isang linggo.
Sa datos mula sa OCTA Research, mula sa 1.7 percent noong Feb. 18, 2023 ay bumaba pa sa 1.6 percent na lang ang positivity rate sa NCR noong Feb. 25.
Maliban sa NCR, nasa “Low” na din ang positivity rates sa marami pang pang mga lalawigan sa Luzon.
Tumaas naman ang naitalang positivity rate sa Misamis Oriental at South Cotabato,
Ayon sa datos, mula sa 4.3 percent ay umangat sa 6.5 percent ang positivity rate sa Misamis Oriental.
Habang mula sa 2.8 percent ay tumaas sa 13 percent ang positivity rate sa South Cotabato. (DDC)