Mahigit 5,000 NCRPO personnel lumahok sa “BIDA” Fun Run, Serbisyong Caravan

Mahigit 5,000 NCRPO personnel lumahok sa “BIDA” Fun Run, Serbisyong Caravan

Mahigit 5,000 na tauhan ng National Capital Region Police Office sa ilalim ng ng bagong liderato ni Regional Director, Major General Edgar Alan Okubo, ang lumahok sa kauna-unahang ‘BIDA’ fun run sa inisyatibo ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Bahagi ito sa kampanya kontra ilegal na droga sa ilalim ng “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) program na idinaos sa Mall of Asia (MOA) grounds.

Libu-libong partisipante mula sa mga ahensya ng pamahalaan at units na nagbibigay serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng isinagawang sabay-sabay na “Serbisyo Caravan”.

Halos sampung ahensya ng pamahalaan ang nag-alok ng mga libreng serbisyo sa tinatayang 20,000 indibiduwal,16,000 na runners buhat sa iba’t ibang sektor ng lipunan at higit 5,000 na tauhan ng NCRPO ang tumakbo ng tatlong kilometro na distansiya upang ipakita ang kanilang suporta sa kampanya ng gobyerno laban sa matinding suliranin sa mga ilegal na droga.

Ikinukonsidera ang ‘BIDA fun run’ at iba pang aktibidad sa sports o palakasan ay may malaking tungkulin sa pamahalaan para sa mas malakas na komunidad at pangunahing elemento na hikayatin ang sektor ng kabataan na sumali sa produktibong pagsusumikap bilang mga miyembro ng lipunan sa halip na masangkot sa mga aktibidad ng ilegal na droga.

Kabilang sa mga serbisyong inalok sa kasagsagan ng caravan ay ang passport application, sim card registration, driver’s license application and renewal, blood typing test, x-ray, mammogram, police clearance at marami pang iba.

“We are honored to be among the participants of this event geared to promote productive activities to encourage the youth and the community as a whole to take part in productive endeavors and keep away from vices especially illegal drugs,” sabi ni MGen Okubo.

Ang programa ay pinangunahan ni DILG Sectery Benjamin “Benhur” Abalos Jr. kasama ang pamahalaang lokal ng Pasay at iba pang yunit na nakilahok sa nasabing aktibidad.

“Halos 4.8 Milyong pilipino ang aminadong gumagamit ng droga at ang drug of choice nila ay shabu. Dito sa whole of nation approach, hindi lamang ang kapulisan at iba pang unit ng pamahalaan ang gagalaw sa demand reduction kundi lahat tayo ay may papel na ipahayag na ang droga ay masama. Huwag silang magpa pressure sa barkada, its all about your health – your future. Yan ang isisigaw natin ngayong umaga ‘Buhay ay Ingatan, Droga ay Ayawan’,” wika ni DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *